Ang chopsticks, kutsara, tinidor, at kutsilyo, kasama na ang mga plato at
mangkok, ay ilan lamang sa mga ginagamit sa pagkain ng mga Pilipino ngayon. Ang
mga ito ay nagmula sa mga dayuhan na nakakasalamuha ng mga ninuno natin noong
unang panahon. Sa ibang bansa, ang paraan ng pagkain ay itinuturing na
mahalagang parte ng kanilang kultura. Sa marami, kabilang na ang mga
Pilipino—lalo na ang mga edukado, ang pag-gamit ng kubyertos ay isang simbolo
ng pagiging isang sibilisadong tao. Sa iba, ang kakayahan naman na gumamit ng
kubyertos bukod sa kutsara’t tinidor, tulad ng chopsticks o kaya naman ay
tinidor at kutsilyo, ay isang simbolo na ikaw ay may mataas na estado sa buhay.
Ngunit masasabi ko na ang mga kubyertos na ito ay walang binatbat sa nakagawian ng ating mga ninuno. Ito ay ang paraang ‘kamayan’. At syempre, lalong sasarap ang kamayan kasama ang dahon ng saging.
Nakapanayam ko si ginoong Oliver “Bong" Neri . Si Mang Bong ay 39 years old na nakatira sa bayan ng Calamba. Ayon sa kanya, ang pagkakamay ay maaaring nagsimula dahil sa pagkain ng isda. Ito ay para matanggal ang tinik mula sa ulam na isda. Nang tanungin ko sya kung bakit sya nagkakamay, dinahilan nya na mas sumasarap ang pagkain sa ganitong paraan. Dagdag pa nya na namana nya rin ang ugaling ito sa kanyang mga magulang. Sa inisyal na patatanong ko sa kanya, napag-alaman ko rin na gumagamit din sya ng dahon ng saging. Sa interview, ipinasalay ko sa kanya kung papa-ano gamitin ang dahon ng saging sa pagkain. Napag-alaman ko na ang dahilan ng pagpapainit nito ay hindi lamang para lumambot at hindi mabilis na mapupunit ang dahon, kundi pati na rin upang lumabas ang aroma nito na nagpapasarap pa lalo sa pagkain.
Ang pagkakamay ay ang paraan ng pagkain ng ating mga ninuno bago pa man dumating ang mga maimpluwensyang dayuhan na nagpakilala sa paggamit ng kutsara at tinidor. Sino nga ba ang hindi mahahalina sa mababangong pagkain na nakahain sa ibabaw ng dahon ng saging? Wala nang mas sasarap pa sa paraan ng pagkain na pagkakamay kasabay ng walang humpay na tawanan at kwentuhan. Sinasabi ng iba na hindi ka maituturing na tunay na Pilipino kung hindi mo matututunang kumain sa pararan na ‘kamayan’.
Isa sa mga sinasabing pangunahing dahilan ng pagkakamay ng mga ninuno natin ay batay sa heograpiya. Ang ating bansang Pilipinas ay pulo-pulong mga isla at napapalibutan ng tubig. Dahil dito, ang pangunahing paraan ng pamumuhay ay pangingisada, kung saan ang ang pangunahing pagkain rin ay walang iba kundi, isda. Sapagkat noon ay wala pang kuryente na magbibigay liwanag sa mga tahanan, masasabing ang pag-kakamay ay isang pakikibagay upang makapa ang tinik mula sa isda at matanggal ito bago maisubo kahit sa dilim.
Gamit ang dulo ng mga daliri ng kamay na nakasanayan, pumisil ng tamang dami ng kanin at ulam at bahagya itong bilugin upang madaling maisubo. Sa pagsusubo naman, gamit ang mga daliri, itapat ang ibinilog na kanin at ulam sa bibig. Itulak papasok ng bibig ang pagkain gamit ang hinlalaki. Malalamang tama ang paraan ng pagkakamay kung malinis o walang bahid ng kanin at ulam ang palad ng ginamit na pang-kamay. Papaano nga ba ang kumain gamit ang mga kamay? Una siguraduhin munang malinis ang mga ito bago gamitin. Pagkatapos, humingi ng pasasalamat sa biyayang nakahain
Ang paggamit naman ng dahon ng saging na nagsisilbing pinggan ay isa ring kagawian ng mga Pilipino. Kalimitang pinapaso o itinatapat sa baga ang dahon upang lumambot at lumabas ang aroma nito. Sa pagbabalot naman ng kanin, kalimitang binubudburan ng asin ang kanin upang maging mas malasa.
Sa aking personal na karanasan na batay sa nakaugalian na ng aking pamilya, kapag may dahon ng saging, mayroong espesyal na ipinagdiriwang. Una sa lahat, ito ay nakakatulong na makatipid sa pambili ng mga papel na plato tuwing may malaking salu-salo. Bukod dito, hindi rin mapapagod sa pagliligpit ng pinagkainan. Dahil ito ay nabubulok, hindi rin ito makakasama sa kalikasan. Sa presentasyon naman ng mga pagkain, nakakapagpadagdag din ito ng buhay at kulay.Gaya ng una
kong nabanggit, nakakapagpasarap din ito ng pagkain dahil sa ibinibigay nitong
aroma. At kung babyahe naman ang pamilya para sa isang piknik, ang dahon ng
saging naman at ang pagkakamay ay isang paraan para mabawasan ang bagahe na
inilalaan para sa mga pinggan at kubyertos.
Ang pagkakamay at dahon ng saging para sa akin ay isang mahalagang sangkap upang mas sumaya ang kainan lalo na kapag salu-salo ang buong pamilya. Marahil ito rin ang mga dahilan kung bakit ginagamit ng ilang kainang tulad ng Kamayan Restaurant at Binalot ang tradisyonal na paraan ng pagkain ng mga Pilipino. Dito malaya kang makakapagkamay sa pagkain nang hindi ka huhusgahan ng iba na hindi ka sibilisadong tao. Naaalala ko pa ang napanood kong dokyumentaryo tungkol sa bansangIndia .
Doon , itinuturing nila na pambabastos sa
kanilang kultura ang paggamit ng kubyertos sa kanilang bansa o lugar na
pagmamay-ari nila.
Sa aking pananaw, walang masama sa pagkakamay dahil ito naman ay tunay na parte ng ating kultura. Ngunit, sa kasamaang palad, marami sa atin ay nabulag na ng kung anong akala natin ay ‘sibilisado’. Bakit nga ba hindi natin pagyamanin ang kamayan at pagkain sa dahon ng saging? Dahil kung hindi, para na rin nating itinakwil ang ating tunay na pagkatao at pagiging Pilipino.
References:
Eat Food the Traditional Way at Kamayan. Available at http://www.philippinesinsider.com/filipino-
cuisine/eat-food-the-traditional-way-at-kamayan/
Eating Kamayan - Philippines Travel Guide. Available at http://www.netguard.dk/kamayan.php
Filipino Traditions and Customs: Eating with Hands (Kamayan). Available at
http://www.filipinoplanet.com/filipino-traditions.html
Ngunit masasabi ko na ang mga kubyertos na ito ay walang binatbat sa nakagawian ng ating mga ninuno. Ito ay ang paraang ‘kamayan’. At syempre, lalong sasarap ang kamayan kasama ang dahon ng saging.
Nakapanayam ko si ginoong Oliver “Bong" Neri . Si Mang Bong ay 39 years old na nakatira sa bayan ng Calamba. Ayon sa kanya, ang pagkakamay ay maaaring nagsimula dahil sa pagkain ng isda. Ito ay para matanggal ang tinik mula sa ulam na isda. Nang tanungin ko sya kung bakit sya nagkakamay, dinahilan nya na mas sumasarap ang pagkain sa ganitong paraan. Dagdag pa nya na namana nya rin ang ugaling ito sa kanyang mga magulang. Sa inisyal na patatanong ko sa kanya, napag-alaman ko rin na gumagamit din sya ng dahon ng saging. Sa interview, ipinasalay ko sa kanya kung papa-ano gamitin ang dahon ng saging sa pagkain. Napag-alaman ko na ang dahilan ng pagpapainit nito ay hindi lamang para lumambot at hindi mabilis na mapupunit ang dahon, kundi pati na rin upang lumabas ang aroma nito na nagpapasarap pa lalo sa pagkain.
Ang pagkakamay ay ang paraan ng pagkain ng ating mga ninuno bago pa man dumating ang mga maimpluwensyang dayuhan na nagpakilala sa paggamit ng kutsara at tinidor. Sino nga ba ang hindi mahahalina sa mababangong pagkain na nakahain sa ibabaw ng dahon ng saging? Wala nang mas sasarap pa sa paraan ng pagkain na pagkakamay kasabay ng walang humpay na tawanan at kwentuhan. Sinasabi ng iba na hindi ka maituturing na tunay na Pilipino kung hindi mo matututunang kumain sa pararan na ‘kamayan’.
Isa sa mga sinasabing pangunahing dahilan ng pagkakamay ng mga ninuno natin ay batay sa heograpiya. Ang ating bansang Pilipinas ay pulo-pulong mga isla at napapalibutan ng tubig. Dahil dito, ang pangunahing paraan ng pamumuhay ay pangingisada, kung saan ang ang pangunahing pagkain rin ay walang iba kundi, isda. Sapagkat noon ay wala pang kuryente na magbibigay liwanag sa mga tahanan, masasabing ang pag-kakamay ay isang pakikibagay upang makapa ang tinik mula sa isda at matanggal ito bago maisubo kahit sa dilim.
Gamit ang dulo ng mga daliri ng kamay na nakasanayan, pumisil ng tamang dami ng kanin at ulam at bahagya itong bilugin upang madaling maisubo. Sa pagsusubo naman, gamit ang mga daliri, itapat ang ibinilog na kanin at ulam sa bibig. Itulak papasok ng bibig ang pagkain gamit ang hinlalaki. Malalamang tama ang paraan ng pagkakamay kung malinis o walang bahid ng kanin at ulam ang palad ng ginamit na pang-kamay. Papaano nga ba ang kumain gamit ang mga kamay? Una siguraduhin munang malinis ang mga ito bago gamitin. Pagkatapos, humingi ng pasasalamat sa biyayang nakahain
Ang paggamit naman ng dahon ng saging na nagsisilbing pinggan ay isa ring kagawian ng mga Pilipino. Kalimitang pinapaso o itinatapat sa baga ang dahon upang lumambot at lumabas ang aroma nito. Sa pagbabalot naman ng kanin, kalimitang binubudburan ng asin ang kanin upang maging mas malasa.
Sa aking personal na karanasan na batay sa nakaugalian na ng aking pamilya, kapag may dahon ng saging, mayroong espesyal na ipinagdiriwang. Una sa lahat, ito ay nakakatulong na makatipid sa pambili ng mga papel na plato tuwing may malaking salu-salo. Bukod dito, hindi rin mapapagod sa pagliligpit ng pinagkainan. Dahil ito ay nabubulok, hindi rin ito makakasama sa kalikasan. Sa presentasyon naman ng mga pagkain, nakakapagpadagdag din ito ng buhay at kulay.
Ang pagkakamay at dahon ng saging para sa akin ay isang mahalagang sangkap upang mas sumaya ang kainan lalo na kapag salu-salo ang buong pamilya. Marahil ito rin ang mga dahilan kung bakit ginagamit ng ilang kainang tulad ng Kamayan Restaurant at Binalot ang tradisyonal na paraan ng pagkain ng mga Pilipino. Dito malaya kang makakapagkamay sa pagkain nang hindi ka huhusgahan ng iba na hindi ka sibilisadong tao. Naaalala ko pa ang napanood kong dokyumentaryo tungkol sa bansang